Best Filipino/Pinoy Parlor Games in the Philippines
1. Sack Race – Kailangan lang natin ng 2 sako na gagamitin sa larong ito. Ideal itong laro para sa mga bata at teenagers pati na rin sa mga young adults. Kailangan din natin ng 2 tao na magsisilbing marker para ikutan ng mga kalahok sa laro. Bawat kalahok ay maliksing isusuot ang sako na parang pantalon at magkakarera paikot sa markers at pabalik sa susunod na team member. Ang unang team na makatapos ay siyang panalo sa laro.
2. Finding the Coin – the traditional finding the coin ay yung nilulublob ng mga participants ang ulo sa isang batya na puno ng tubig. Luma na yun. In my version of finding the coin, ang mga participants ay nakablindfold. Picture this out: Mag-uunahan ang first three from the three competing teams sa pagkuha ng six 5-peso coins sa isang table. Kwela ito coz di nila alam saan nilalagay ang coins. Mangangapa sila hanggang sa floor kasi mahuhulog ang ibang coins. Panggulo: pwedeng magcoach ng di tama sa kalaban. Point system ito kaya ang may pinakamaraming coins na naipon ay mananalo. (Materials needed: 6 pcs. 5 peso coins, 3 blindfolds)
3. Passing the Card – Masaya din ito! Para itong card relay. yun nga lang, ang isang player hihigupin niya ang isang card papunta sa kanyang kasama. Take note: they have to be very creative na di mahuhulog ang card, dapat hinihigup lang talaga. Try mo muna yourself ang paghigop ng card bago ipalaro sa iba. Ideal for boys vs. girls. 5 cards ay ok na for the relay. (Materials needed: game cards)
4. Beer Drinking with a Twist – this is group obstacle race style. Sa dulo ay may beer na may 5 straw para sa limang participants which comprise one group. Bago nila marating ang beer ay may “surprise” pulutan na tinatakpan. Pagsabi ng “go!”, pupuntahan ng buong grupo ang “surprise” pulutan bago sila makapunta doon sa beer. Ang “surprise” pulutan nga pala ay sampung saging. Ang grupong unang matapos ang mananalo. (Materials needed: beer, straw, saging)
5. Trip to Jerusalem – we have to admit it, di talaga naluluma ang trip to Jerusalem. It’s a classic, wag kalimutang ipalaro yan. To add excitement, boys ang gawing upuan. Girls ang magsasayaw. Pwede rin naman reverse. (Materials needed: chairs)
6. Flour Blowing Whistle – madali lang ito. pabilisan lang ng pagblow ng flour. After na matanggal nila lahat ang flour, pakainin ng chocolate/biscuit. Ang pinakaunang makaka-whistle panalo. (Materials Needed: Small basin, Skylakes)
7. Shoot mo Baby – Ang bawat kalahok ay may nails na nakalawit na nakatali naman sa kanilang waist. Then, isu-shoot nila yan sa isang bote. Ang grupong unang matapos ang siyang mananalo.
8. Hang ‘em – this is the traditional palawit, ngunit aside from the prizes na ilalagay doon, maglagay ka rin ng maraming malalaking ice water doon para pag may makapisil noon, instant ligo ang lahat!
- pinoy parlor games
- filipino parlor games
- parlor games
